Sa unang pagharap pa lang ng biktima na si Kristine kay Raffy ay umiiyak na ang dalaga.Ang sumbong ng mag isa ay ilang beses na daw slang lumalapit sa tatay nitong si Roldan upang humingi ng tulong para sa kanyang pag-aaral,ngunit lagi itong itinataboy ng kanyang Tatay.
Nang makausap ni Raffy Tulfo ang in-util na ama, sinabi nitong wala pa daw kasi siyang sahod kaya hindi pa nakakapagbigay. Pero sumbong ng nanay ni KC, ang pinakamalaking iniaabot na raw nito sa anak ay 500 Pesos, na hindi naman talaga magkakasya sa kanyang mga pangangailangan bilang mag-aaral.
Hiwalay na raw kasi ang magulang ni KC dahil second family lang naman sila ni Roldan. Umuwi an ang lalaki sa kanyang orihinal na pamilya, ngunit hindi pa rin ito dapat ligtas sa pagsuporta at pagsustento sa anak niyang si KC. Nagalit pa si Raffy Tulfo nang sabihin ni Roldan na mabuti pang sa kanya na tumira si KC,para kung ano ang kanyang kinakain ay yun din ang kainin ng anak.
Tinawag ni Tulfo na pilosopo at hindi nag-iisip si Roldan dahil hindi raw ba nito naisip na hindi magandang isama niya si KC sa mga anak niya sa ibang babae, at magkakaroon pa tuloy ito ng step mother!
Sinubukan pa ring aregluhin ni Tulfo ang sitwasyon sa mapayapang paraan. Tinanong niya si Roldan kung kailan daw ba kasi siya sasahod. Nang sinabi nitong sa 25 pa, tinanong ulit ni Tulfo kung magkano ang maiaabot niya sa anak. Sumagot naman ito at sinabing 1,500 Pesos daw! Syempre, kulang na kulang ito para sa isang dalagang nag-aaral!
Si Tulfo na nga mismo ang nag-alok na bibigyan daw ng P15,000 ang mag-ina upang pantustos ni KC sa pag-aaral niya sa darating na pasukan. Hindi pa rin nahiya ang tatay ni KC!
Panuoorin ang buong pangyayari.