KILALANIN ANG ANAK NG DATING SIKAT NA AKTOR NA SI LITO LAPID

Ysabel Ortega-casafeatures

        Karamihan sa ating mga Pilipino ay madalas manood ng telebisyon . Ito na ang nagsilbing libangan natin noon hanggang ngayon at naging paraan na rin ng pagsasama-sama ng ating pamilya. Bagama’t nauso na ang social media at mga makabagong gadgets, hindi pa rin talaga nawawala ang telebisyon sa ating buhay.
        Dito natin natutunan ang mga programa’t pelikula. Ito rin ang naging daan upang magkaroon tayo ng mga idolong artista natin. Dahil sa ating labis na pag idolo sa mga artista, inaabangan natin ang lahat tungkol sa kanilang buhay. Isa sa mga pinakaabangan natin ay ang kanilang mga anak na maaaring sumunod sa kanilang yapak.


          Alam niyo bang may anak si Lito Lapid na kapwa rin artista katulad niya? Kilala noon si Lito Lapid bilang isa sa mga pinaka magagaling na action star ng kanyang henerasyon. Marami na rin siyang nagawang pelikula na talaga namang minahal ng masa. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nakaupo siya bilang isa sa mga senador ng Kongreso ng Pilipinas. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may tinatago pala siyang kayamanan sa kaniyang baul.




Image result for Maria Ysabel Lapid Ortega


         Ito ay ang kanyang anak na si Maria Ysabel Lapid Ortega o mas kilala bilang si Ysabel Ortega. Anak siya ni Lito Lapid sa dating mang aawit na si Michelle Ortega. Ipinanganak noong taong 1995, isa na siya ngayon ganap na dalaga at pausbong na artista. Bagama’t may kapwa artistang mga magulang, hindi raw naging madali ang kaniyang pagpasok sa showbiz noong 16 taong gulang pa lamang siya. Kailangan niya ring dumaan sa iba’t-ibang hamon katulad ng ibang mga artista.