P1000 Kada Buwan Na Allowance Ng Mga Estudyante Sa Mga Unibersidad Ng Maynila,Naipatupad Na.


Isang napakagandang balita ang inanunsiyo ng Mayor ng Maynila na si Isko Moreno sa pagbisita niya sa Unibersidad de Manila.

Naipapatupad na ang City Orddinance No.8568 na magbibigay ng P1000 na allowance kada buwan na para sa mga kuwalipikadong estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Unibersidad de Manila.Isinama narin ang City Ordinance No.8564 na magbibigay din ng P500 na allowance para naman sa mga Grade 12 ng mga pampublikong paaralan.Ang dalawang ordinansang ito ay nakatakdang ipatupad ngayon Enero.



Ang mga kuwalipikadong mag-aaral ay ang mga undergraduate students in good standing, ng PLM o UDM, na residente at rehistradong botante ng Lungsod ng Maynila. Kapag hindi pa nasa legal na edad ang mag-aaral, kailangang rehistradong botante sa lungsod ang kanyang mga magulang. Ang ibig sabihin naman ng "good standing" ay "not under probation or without any citation and disciplinary record.

Sa tulong ng GCash at Asenso Manileño Party ay nakaisakatuparan ang programa.

Ang mga ibinahaging ordinansa ay layunin ni Mayor Isko para sa "social amelioration" ng mga senio citizens at mag-aaral

Pahayag ni mayor,"Dati laway-laway lang. Ngayon, tupad-laway na" Nagbiro pa siya "Malay ninyo madagdagan pa ito!"



May pahayag naman ang GCash president at CEO na si Anthony Thomas kay Mayor Isko,"The fact that has impressed us the most and wants us to help, enable more for the community is that it has followed with action.And it's good to announce that you're going to do something but it is so much better that you do it."Walang ginastos ang pamahalaan ng lungsod sa pagpapagawa ng card na poponduhan ng allowance kundi sagot ito ng GCash. Hinikayat naman niyang mag-ipon ang mga estudyante sa GSave dahil ito ay may pinakamataas na interest rate sa bansa.

Sa isang interview, nagpasalamat ang mga estudyante dahil ito ay malaking tulong sa kanila.