Matapos Makamit Ang Tagumpay,Mansyon Ang Niregalo Ng 4 Na Magkakapatid Sa Kanilang Amang Tricycle Driver At Dressmaker Nitong Ina.


With their dad being a tricycle driver who didn’t have his own tricycle and their mom being a dressmaker who didn’t have a regular but only relied on ‘pakyaw’ orders, life was not easy. But the four children of this tricycle driver dad and dressmaker mom would gift their parents with a mansion after finding success in life.

On financial literacy Facebook page, PESO SENSE, this family’s inspiring story went viral. Many netizens wished that they can also do the same for their parents.


“Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.

Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).


Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. 😅 Natutulog kami sa sala. 😊

Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO 😇😇😇”


Through their efforts, the kids were able to succeed in life. Now that they can afford to give back, they made sure to build their parents a mansion and provide them with the support they needed to have a better life. Wow! Sana all…