It May Take A While But What’s Meant For You Will Always Find Its Way To You

Meant to be - Casafeatures
TINADHANG PAGSUBOK PATUNGO SA TINADHANG MAGING SAYO

Sa buhay, Dadaan ang mga bagay na ikakasira ng sarili natin na siyang magiging daan patungo sa kung saan nga ba tayo naka tadhana.

Abutin man ng ilang buwan, taon o dekada, Dadating at dating tayo sa punta na magkakatotoo ang sulat ni tadhana.

Magiging okay din ang lahat, Magtiwala sa itaas at piliin ang mga taong umintindi sayo kahit hindi kana ka intindi'intindi.


Mahabang pasensya, Kasi ang buhay ay puno ng pagsubok, Madaming paghihinayang sa pagkakamali, Sabayan ng heartbreaks, Pero ang para sayo ay para sayo na hindi mo mababago. Dadating din tayo dyan! Laban lang!


Lahat ng sakit, Lahat ng pagsubok, lahat ng pagka-dismaya, Ay paraan upang maging mas matatag tayo. At ang pagiging matatag ay ang pagbangon sa kabila ng mga pagsubok na walang katapusan. Eh ano naman kung nasaktan ka? Eh ano naman kung sensitive ka? Minsan ba? Naisip mong baka ayan talaga yung personality mong hindi mo kayang ipakita? eh baka naman ikaw talaga yan? Nasasaktan ka kasi totoo ka, "The truth hurts" Kumbaga.


Ang buhay ay tungkol sa kung paano mo tatapusin, Kung paano mo pinatunayan sarili mo, At kung paano mo nalampasan ang lahat.


Kaya ikaw, Smile kana dyan!

I-iyak mo yan, Punasan ang luha, Tingin sa salamin, Ngiti! Patuloy ang buhay!

Tandaan mo lang na "May mga taong andyan para sayo, Kahit di mo nakikita".